Friday, September 11, 2009

Bullshit.

FEAR.

Sa lahat ng emosyon na pwedeng maramdaman ng isang tao, takot ang pinaka-ayaw kong maranasan. Kaso, wala akong choice, pinagdadaanan ko na.

Ngayon alam ko na kung bakit maraming nababaliw dahil sa problema. Sadyang nakakasira talaga ng ulo kapag sobrang dami na. Sinasabi ng karamihan na challenge lang yan na malalampasan mo rin eventually. Pero once na mabigat na talaga yung problema mo, minsan, parang ang hirap nang paniwalaang maayos pa.

Ako.

Marami akong problema ngayon. Ang dami kong naging maling desisyon, nagulo tuloy buhay ko. Lahat ng aspeto, palyado. Pag nagmomoment ako, madalas kinakausap ko yung pader o di kaya kinakausap yung hangin. Astang baliw lang. Wala lang, gusto ko lang kasi magsalita. Madalas, tinatawag kong tanga yung sarili ko habang naglalakad. Totoo naman kasi. Kung hindi sa mga katangahan ng isang tao, hindi naman talaga siya magkakaroon ng problema. Madalas ko ding tinatanong yung sarili ko kung bakit ba yun yung naging desisyon ko. Kung bakit ginawa ko yung mga ginawa ko o kaya bakit nangyayari 'tong ka-bullshitan na 'to sakin.

Alam ko namang matatapos din 'to.

Ang tanong ko lang, kailan?

Nakakatakot magkaroon ng maraming problema. Although may solusyon naman lahat. Ako, alam ko na mga solusyon sa problema ko. Hindi pa nga lang ako naguumpisang aksyunan yung buhay ko. Nakakatakot kasi.

Pano kung magkamali ako uli?

Pano na?